Sunday, 12 February 2012

SINAG SA KARIMLAN

Narrator1: Sa isang bahagi ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan ng Muntinlupa ay may anim na teheras na makikita rito. Ang dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 taon) at si Bok (29) at sa gawing kaliwa naman ay naroon si Mang Ernan (45) at si Doming (30)
Narrator2: Si Tony ay hubad na natutulog. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig. May blackeye  rin siya. Si Bok, ang bilanggong labas-masok sa bilibid, ay nakakulubong- may trangkaso siya. Si Mang Ernan, na may 
apat na araw ng naooperahan sa almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming. Paminsan-minsan, naririnig ang malakas na paghilik ni Bok.

Doming: Tipaning Mayap! Kung makahilik, parang kombo!!
Bok: SAYLENS! magapatulog man kayo! Yawa!
Doming: Hisi lang, Tsokaran. Kilalamo ba siya Bok? (nakanguso kay Tony)
Bok: De-hins. Kung ibig yo gigisi---------
Doming: Ba, 'wag 'wag! (magigising si Tony) O yan, gising na.
Tony: M-magandang umaga senyo.
Ernan: Gayundin sa'yo Este, no ngan'ng------
Tony: Ako ho si Tony. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernan. Nabasa ko ang inyong mga akda.
Bok: (may pagmamalaki) Ako?! De-hin mo kilala? Di wan en only BOK. Yeba! 
Tony: (titignan si Doming) kayo?...
Doming: Doming palayaw ku.
Bok: OXO?... (iiling si Tony) Sigue- sigue?... (iiling muli) Beri gud! Ginsama ka sa'ming Batsi Gang, ha?
Tony: salamat, Bok.
Ernan: Pwede ba Toning, ibida mo naman ang iyong buhay sa'min? (tatango si Tony)
Tony: elementarya lang ho natapos ko. Si tatay iniwan kami, nang madiskubre ni nanay na may kerida siya. Sa awa naman ng 

Diyos, natapos ko ang elementarya. Balediktoryan ako.
Bok: BALEDIKTORYAN?! Siga ka! Yeba...
Tony: nakakahiya pero, dahil sa barkada ay natuto akong magbisyo at magnakaw.
Doming: Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa tatay mo?
Tony: Nang iwan niya kami, wala nakong balita sa kanya. Winasak niya ang aming tahanan, kinamuhian ko siya ng husto!
Ernan: Naiintindihan kita. Pero alam mo ba na ang pinakamahirap na kasawian ay ang 'di pagkakaroon ng anak. Kahit anung 

gawing naming mag-asawa, walang nangyayari.
Tony: Ilan taon na kayo?
Ernan: Kwarenta'y singko.
Bok: Tsiken pid! ang akon lolo, sisenta na, kaanak pa!! (maikling tawanan)
Ernan: Tony, di ba't ikaw ang tumula, nang minsan dumalaw dito ang presidente? Gusto kong malaman mo na ang tulang iyo'y 

kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula.
Doming: Hanung pamagat?
Ernan: Sinag sa Karimlan.
Tony: WOW. Sana mabasa ko 'yon!
-------
Narrator1: Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan. Habang si Bok ay nabagot dahil pangkaisipan na ang paksa. Sa kanilang pagkwekwentuhan ay biglang dumating si Padre Abena, isang pari sa bilibid.

Tony: Magandang umaga po, Padre. Siya nga pala, si Mang Erna'y ibig... wala raw silang anak.
Posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?
P.Abena: Bakit hindi. Pagdating ng araw ay ... kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari.
Tony: (mapapalakas ang tinig) Utang na loob, padre! Sinabi ko na senyong wala na 'kong tatay!
P.Abena: Ikaw ang amsusunod, anak. Bweno, 'wag kang masyadong maggagalaw at nang hindi dumugo.

Narrator2: Biglang umalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital. Natahimik ang lahat at nakinig sa isang sigaw.

Lorenzo: TUBIG!TUBIGGG! MAMAMATAY NA 'KO SA UHAW! TUBIGGG!...!
-------
P.Abena: Diyan na nga kayo at titignan ko lang kung sino ang nagpapagibik na 'yon. (aalis)
LAHAT: Adyos, Padre.
-------

Ernan: -----Teka, ayan na ang ating anghel!

Narrator1: Nagbigay galang ang lahat sa pumasok na nars. (*magandang umaga*) Inilapag nang nars ang lalagyan ng gamot. 
Isa-isa niyang tinignan ang temperatura ng mga pasyente.
Narrator2: Hindi niya inintindi ang paghanga't pagnanasang tingin na iniuukol sa kanya------ lalo na si Bok. Matapos maibigay ng nars ang kaukulang gamot sa apat, umalis na ito. at pagtalikod ng nars......

Bok: WOW!!! Talagang damagan si Miss Reyes. Kung magaibig lang s'ya ngani sa ako, pero...... SINSAMA AKO NG REKORD!yawa.
Tony: Bok, si San Agustin, bago naging santo ay naging pusakal munang magnanakaw.
Ernan: Malay natin, maging santo karin, Bok! (tawanan)
Bok: Tama ka, Mang Ernan. San Bok (ilalagay ang palad sa dibdib at titingala) Santo gid ng mga holdaper!! (tawanan na naman)
Doming: Listo! Ayan na naman hang tay-ban!
--------
Tanod1: (nasa may pinto) Antonio Cruzada! Miron kang bisita, ading.
Tony: Bisita? sinu hu siya? kilala niyo ba sir?...
Tanod1: (iiling)
Tanod2: (nakaturo kay Ernan) Siguro sing-idad sa kanya.
Domin: Kwarenta'y singko.
Tony: Papunta na ba rito, sir?
Tanod1: Wen, ading. (aalis)
--------
Ernan: tatay mo na 'yon Tony.
Doming: Baka naman hisang kamaghanak.
Bok: (mapapabangon) Gwapo bang imong der-pa? Paris mo Tony?
Ernan: Ayun! Sila na siguro 'yung dumarating.
--------

Narrator1: Pumasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. Ginala niya ang kanyang sabik na paningin.
Narrator2: Itinuro naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad namukhaan.Nang makita ang anak ay madamdamin niya itong nilapitan...

Luis: Tony, anak. Anak ko, napanu ka? ......................... Tony, magsalita ka anak ko! Ako ang tatay mo...
Tony: Tatay? ang nakilala kong ama'y anim ng taong patay!! Sayang lang ang inyong pagod.
Luis: Anak, patawarin mo 'ko. Nagbalik ako upang-----
Tony: Dahil sa kerida'y patong-patong na hirap ang dinanas namin! Lalo na ang aking nanay.
--- Bok: (sisingit) Tsiken pid yan, Tony!
Tony: (patuya) Ba't 'di kayo bumalik sa kerida niyo?
Luis: Iniwan niya ko. Pero salamat sa kanyang ginawa at nanliwanag ang nalabuan kong isip. ngayo'y-----
Tony: Huli na ang lahat! kayo ang dahilan ng kasawian ni nanay! Aruyyyy (>.<)..
Luis: Buhay ang nanay mo. Nagkita kami at pinatawad na niya 'ko. Nagkasundo kami na hanapin kita.
Tony: Mahal ko si nanay., ngunit kayo... Ibig ko pang mamatay kesa sumama senyo!
Luis: (sasampalin ang anak) --------P-patawarin mo 'ko anak!
Tony: Lalo niyo lamang pinalayo ang ating daigdig.

Narator1: Si Mang Luis ay walang kibong lumabas. Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang naupo sa gilid ng kanyang teheras si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.

Bok: Tony, bilib ako sa imo. Gas-ma-ti ka! Tsiken pid 'yan!
Doming: sabagay, hakumang nasa lugay ni Tony'y--- hewan ko nga ba...
Tony: Mang Ernan,  madali nga'ng sabihing lumimot at magpatawag ano ho? Pero... aRuyyy (>.<)

Narrator2: Nakita ni Mang Ernan ang kamay ni Tony na umangat at doon ay punong-puno ng dugo.

Ernan: Tony! (lalapitan ang binata) Doming! Bok! Tumawag kayo ng doktor, o nars! madali kayo!
Bok: Bals-wals yan!
Doming: (patikud_tikod na lalabas ngunit doon pa"y sisigaw na) Nars! Nars! NARRRSSSS!

Narrator1: Nagmadaling pumunta ang nars nang marinig ang malakas na boses ni Doming. Agarang nilapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantala, dumating naman sa may pintuan sina P.Abena kasama si Mang Luis. Walang imik silang nagmamasid.

Nars:  Sariwa pa'ng sugat mo, huwag ka munang magsasalita ng malakas. At huwag kang manggagalaw, ha?
Tony: Paglabas ko rito'y pupunta 'ko senyong bahay, ha Lyd? A, Miss Reyes pala!
Nars: Sabi na't pwera muna ang salita. Pag sinuway mo 'ko'y... Sigi ka, hm...
Tany: Okey :D
Nars: O, hayan, tapos na. Be good ha, Tony? Promise? (tatango ang binata; maghahanda siya sa pag-alis)
Tony: maraming salamat, L-Ly-Miss Reyes.
P.Abena: Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes..
Tony: Siya nga po pala ang babaing handa kong...
Bok: (makahulugan ang ngiti) Tingin ko'y ayos na silang dalawa, Padre.
P.Abena: hindi masama, pabor ako. Anak, ang tatay mo'y... nakiusap siyang--
Tony: Padre!...Na naman!...
---------
Nars: Tony, di ba't sabi kong huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa 'yo?
Tony: patwarin mo 'ko, Ly-este Miss Reyes.
Nars: Patatawarin kita, pero sa susunod,.... sige, higa na.
Padre: Anak, 'tamo, si Miss Reyes, nakapagpatawad...

Narrator2:  Hindi tumugon si Tony. Habang si Mang Luis naman ay nabuhayan ng loob at dahan-dahan siyang lumapit sa bunsong anak na ngayo'y may kakaiba nang sinag sa mukha. At sa isang kisap-mata'y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo at madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap. Katulad ng dalawa, napaluha rin ang lahat. Maging ang may bakal-na-pusong si Bok na napakagat labi't napapatango ng marahan. Habang si Padre Abena'y tumingala at bahagyang bumulong.

1 comment:

  1. maraming salamat po sa gumawa nito mas napadali po ang pag role play namin laking tulong po nito salamat

    ReplyDelete